Sabado, Disyembre 31, 2011

Tulaan sa Tren

            Pagbukas ng pintuan ng LRT ay kaagad nakipagsiksikan ang mga tao papasok para makahanap sila ng komportableng lugay para makaupo sila. Pagkakuha ko ng ticket ay kaagad na nagmadali ako para makaabot pa, ngunit bigla na lang itong nagsara at umalis. Naghintay na lang ako sa isang tabi para sa susunod na tren. Sa pagkainip ko ay kinuha ko ang aking cellphone at nagpatugtog na lang ako. Maya-maya pa’y dumating na din ang tren. Kakaunti lamang ang sumakay sa mga oras na iyon, kaya nakaupo sa sa isang komportableng lugar.

Sa pagdating sa isang istasyon ay napansin ko na maraming mga pasahero ang naghihintay na tumigil ang tren na aking sinasakyan. Pagbukas ng pintuan nito ay dumagsa ang maraming tao, kaya bago umalis ay puno na an tren. Habang umaandar ito ay hinanap ko sa itaas ang mapa ng mga istasyon na dadaanin namin. May nakita ako isang tula na nakasulat sa español, isang tula na tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Dahil dun ay napaisip ako, kung tungkol lamang sa pagmamahal sa sariling wika ang pinag-uusapan, bakit nakatala iyon sa wikang español? hindi ba’t dapat nakatala ito sa wikang tagalog. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko hilig ang buklatin ng history ng Pilipinas, ngunit ang alam ko ay mismong mga Español ang nagpahirap at inalipin ang ating mga ninuno sa loob ng mahigit na 300 taon. Pero sa nakikita ko ngayon ay balewala na lang iyon. Kung buhay pa kaya ngayon si Rizal, ano kaya nag masasabi niya sa lipunan natin ngayon? Bahala na sila dun, kanilang problema yun eh. Ang napansin ko sa loob ng tren ay marami pa palang mga tula na naka-post sa itaas. Naisip ko na kopyahin ang mga ito para makakuha ng lyrics para makabuo ng kanta. Sa unang pagbasa sa mga tula ay para bang mga salita ito na galing sa isang binata na nanghaharana sa isang magandang dalaga, Ngunit ito pala ay tungkol sa panliligaw ng binata sa mga tao kung saan ginigising niya ito para mamulat ang kanilang isipan tungkol sa mga nangyayari ngayon. Dito ko naalala ang mga rebolusyon na tumatak sa aking isipan. Ang una ay tungkol sa Edsa Revolution. Ito ang rebolusyon na walang dumanak na dugo. Nais nila paalisin sa puwesto si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas sa kadahilanan ng pagtatag niya ng “Martial Law” sa bansa. Nagtagumpay naman sila sa pagpapatalsik sa kanya.

            Nang makarating ang tren sa Central station, karamihan sa mga pasahero sng bumaba. Ako pa rin ay nakaupo sa isang gilid at nananahimik. Ngunit nang makita ko ang isang matanda na may mga dalang gamit at nakatayo sa unahan, pinaupo ko siya at ako na lang ang tumayo. Nang magawa ko iyon, napansin ko na nakatingin ang mga tao sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga ginawa nila, kaya tumingin na lang ulit ako sa itaas ta binasa ang mga tula sa tren. Nang makarating ang tren sa Monumento, dun ako bumaba at sumakay sa bus papuntang Malolos.

1 komento: